Tuesday, October 23, 2012

An Open Letter To A Diffident Friend of Mine ...


Dearest Sabrina ,

          Halos 5 years na rin tayong nagkakasama no? Since undergrad kaklase na kita pero di ko masabing magkakilala na nga tayo sa mga panahon na yun kasi we both belong to different circle of friends. Ang lagi ko kasing nkakausap lang ay si Sienn na walang choice kundi ang tumabi saken dahil sa pareho kaming Dela Cruz ang surname. Siguro it is safe to say na you are the opposite of who I am. Kaya siguro medyo naniwala ka noon na kesyo ganito ang ugali ko at hndi madaling makasundo. I can't blame them, sobrang strong naman kasi talaga ng personality ko kaya maraming nagsasabi na hndi ako madaling pakisamahan. Kung ano yung kinalakas ng dating ng aura ko sya namang kinatahimik ng pagkatao mo. Konting dikit pa saken Sahb lalakas din ang loob mo. Contagious kaya ang fighting spirit ko :)) Nakakatawa no? Kapag nakkwento naten sa mga kaklase natin noon na tayo ang magkasundo sa Law School nagugulat sila at nagtataka kung paanong ang isang tahimik na tulad mo ay sasama sa ubod ng ingay na kagaya ko. Well, sabi nga nila "Opposite attracts".

          You should know by now kung anong klaseng kaibigan ako. Nakakairita kasi pakelamera sa buhay pero tandaan mo! May marinig lang ako na nang-api sayo... Naku, babalatan ko yun ng buhay sa harap mo at gagawin nating bookmark yung balat! Eeew! Wala na sigurong magtatangka nyan! Pagpapasensyahan mo ko kung hindi ako available tulad ng 7/11 na bukas 24/7. Alam mo naman na may work. Sorry kung madalas pass ako sa mga inuman kapag nag-oopen up ka ng mga pinagdadaanan mo. Tandaan mo lang to, kahit di ka magsalita o magpaliwanag... ramdam at alam ko lahat ng hinanakit mo. Lagi lang akong nandito para sayo, sasabayan kitang umiyak lage! At sisikapin kong mapalitan ng tuwa ang iyong mga luha. Alam mo naman na basta mapasaya lang kayo kahit madalas mukhang tanga na ko, gagawin ko pa rin kung ang kapalit naman nun ay ang mga ngiti sa inyong mga labi ^^

          Salamat Sahb kasi kahit marami kang naririnig na negative tungkol sakin you remained resilient at alam ko dinedepensahan mo rin ako. Hinding hindi ako mapapagod na ishare sayo yung natitirang energy sa katawan ko para lang lagi kang i-cheer up! Hndi ako magdadalawang isip na magbigay sayo ng payo para patatagin ang loob mo. Lalong hnding hindi ako susuko na i-push ka para lumabas ka jan sa shell mo at nang magulat ang mundo na ang dating Diffident Sabrina... Confident Sahb na!

7 comments:

  1. maswerte pala ang maging kaibigan mo

    ReplyDelete
  2. shocks teh..u make me cry n nman.hai.. salamat teh.lam mu yn.kung anu pingdaanan naten sa isang sem.. di ko kakayanen kung wala k.. na lageng nakikineg sakin kahit paulit ulit n lng ko.lage n lng ko lalapet sau pg iiyak ko.salamat teh.di k nagsawa sakin.sorry kase feeling mo di kita naapreciate.kung alam mu lng teh.kung gaano ko nagpapasalamt nakilala kita ng tunay.walang plastiKAn..walang kaekekan.. tAtapusen nten lawschool ng kapit kamay teh.kapit lang.. wag mo ko bitawan teh.lam mu gaano ko kahina..hahA.salamat teh.ily.. :) sub..

    ReplyDelete
    Replies
    1. SAHB !! finally nabasa mo rin :)))) this is just a little something to make you feel loved and special . Wag ka mag-alala , hnding hndi ako magsasawa makinig sayo kc natututo rin naman ako from your stories kaya kumbaga give and take lang din at two-way ang process of learning . Salamat ulit kc bngyan mq ng chance na mkapagpakilalka sau .. ILY TOO !

      Delete
  3. @Pinay sa Korea , I checked your blog and it's awesome ! Swerte rin siguro mga friends mo :))

    ReplyDelete
  4. @Vienda Vale, ganyan tlaga taung mga totoong kaibigan :)))

    ReplyDelete
  5. SAHB !! finally nabasa mo rin :)))) this is just a little something to make you feel loved and special . Wag ka mag-alala , hnding hndi ako magsasawa makinig sayo kc natututo rin naman ako from your stories kaya kumbaga give and take lang din at two-way ang process of learning . Salamat ulit kc bngyan mq ng chance na mkapagpakilalka sau .. ILY TOO !

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...