Thursday, October 18, 2012

Letter of A Law Student to his future self ...

Yes ! Check ! Tama ! Korek ! Hindi ako mali ng pronoun na ginamit (his) kasi may isshare lang ako sa inyo na nakita kong sulat mula sa isang blog na nakita ko sa net . Sya ng author ng blog na "Kwentong Barbero". Dati rin syang law student and I really have no idea kung abogado na sya ngayon kaya hndi na sya nkakapag-blog kasi ang last post nya ay noong 2007 pa, pero dahil mabusisi ako nakita ko na asensado na pala ang blog nya dahil may sarili na syang website at mas makikilala mo sya dito. Sana ok lang sa kanya na nire-post ko to . After all, tingin ko marami namang matutuwang law students dito eh :)) So , Ito na yung letter nya nung 27 years old palang sya sa 48 years old na sya ...

Dear Future Me – 48 years old, 

I have not much to do today.  Kesa naman mag-braid ako ng nostril hairs ko dito sa opisina, okay na ‘yung sulatan na lang kita.  I hope I made the right decisions today to make you what you are in your own time.  ‘Yung pagpupursige ko at paggi-gym ko araw araw.  Sana di ka pa obese. Ilan na ba ang anak mo ngayon?  Sana nagkaroon ka ng anak, baka kasi bugok ang sperm cells mo e.  (Ha! Ha!).  You are now in you’re mid-life crisis.  Nakakalbo ka na din siguro.  At least natupad na ’yung matagal mo nang pangarap na maging kamukha ni Bruce Willis.  Hindi ka man naging porn star, na ’yun naman ang unang wish mo sa buhay, at least pang-Hollywood ka na.    
Sana naman, in your time and age, may sarili ka nang tsikot saka nabili mo na din ’yung dream house mo para kay Judith.  Sa US ka na ba ngayon?  Sana naman wala na kayo sa apartment sa Tunasan.  Nakakabad-trip ang mga manyak na higad don.  Bigla na lang mahuhulog sa hita ko at iba pang private parts.  Bastos talaga.  Kala siguro nung mga tadong higad na ’yun e higad din ang pototoy ko.  Baka naman sa San Pedro na din kayo nag-settle down? Ayaw kasi ni Judith sa Laguna, gusto niya maging ispokening dollar ang kanyang mga kutitots paglaki, stateside.  ’Yung duduguin sa ilong ’yung mga lola ng mga bata sa kaiinglis.  May pagka-salbahe din kasi si Judith kung minsan.  (Ha! Ha!)   Nagtuloy ka ba maging abugado? Okay lang kung di ka nagtuloy.  Di naman sasama ang loob ko sa ’yo.  Life is too much precious to spend studying law.  Kung nagma-malling na lang kayo ni Judith o kaya nagpapagulong-gulong sa Tagaytay Highlands, it’s worth the time pa.    I expect you to be mature in your ways by now.  ‘Wag ka nang nagkakamot ng betlogs mo in public places. Hindi cute ’yun.  Baka pagkamalan kang malibog na senior citizen, ikulong ka pa.  (Ha! Ha!) Sana hindi ka na uto-uto ngayon.  Ikaw na ‘yung nagsasamantala at nang-uuto (Ha! Ha!)     
Musta si Mommy?  Stay to be his Superman.  Ikaw ang inaasahan niya to be strong and to be there for your siblings.  Don’t fail her.  Alagaan mo siya tulad ng pag-aalaga niya sa ‘yo nung sipunin at supot ka pa lang.  Kung may pagkukulang man in the past, bury the hatchet.  Be grateful for all the things that matters.   Nagkukulitan pa rin ba kayo ni Judith?  Tuloy niyo lang ‘yan.  Don’t take yourself seriously, nobody else does.  Nire-wrestling ko nga kagabi si Bebe ko, ‘yung magra-rupture na ‘yung lungs niya kasi di na makahinga.  Enjoy ‘yun.  (Ha! Ha!)  Nakakaganti din naman si Bebe ko sa akin.  Nung linggo nga, habang pinapanood ko ’yung delayed telecast ng Pacquiao vs. Solis fight.  Bine-baby powder (in Tagalog, BiƱan Laguna – style, napulbos pulbos) ni Pacquiao si Solis.  Exciting to maximum multiple level, biglang nag-text si Bebe saka sinabi na na-knock out ni Pacquiao si Solis sa 8 round.  Nawala na tuloy ‘yung suspense.  Sutil.  Regards mo din ako kay Judith.  Alagaan mo siya ng husto.  Mahal na mahal ko ’yan.  Andami na niyang pagtitiis sa ’yo kahit gago ka.  I expect you to be a good husband to her and good father to your kids.  Enjoy your time together.  Hold her hands and watch the sunset by the beach.  Don’t forget to kiss her always before you go to sleep.  Watch movie dvd’s together with pancit canton on the side.  Gaze stars at night and weave dreams from your past unfulfilled.   
From, 
PastMe – 27 years old 


******** Naiyak ako sa last part eh, ewan ko ba! Mababaw lang kasi siguro talaga ng luha ko o di naman kaya I just feel for him. Alam nyo mahirap kasi tlaga maging partner ang mga kagaya namin eh. Marami ka dapat baong pang-unawa at pasensya. Dahil dito parang na-inspire ako na sumulat din sa sarili ko yung AKO 20 YEARS FROM NOW .. Actually nagawa ko na to sa personal blog ko eh. Dear Atty-not-yet , pero iba yan kasi parang sinulat ko yan sa sarili ko after ng graduation ko sa undergrad eh . Kumbaga kinukunswelo ko ang sarili ko . Siguro pag may time na ko gagawa rin ako ng kagaya kay Badoodles .


Marami pa akong mga binabasang mga blog ng mga law students kaya wait lang kayo jan at stay tuned ah ! Nga pala , BAWAL GRAMMAR NAZI dito ha !

2 comments:

  1. nkakaiyak naman yung last part... sila pa ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. tingin ko kinasal na cla ^^ visit mo yung site nya :))

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...