Sunday, September 9, 2012

Dear Mr. Know-it-all ...

Dear Mr. Know-it-all  ...

Hanga tlaga ko sa taglay mong utak! Bangis mo sa memorization :)) Hindi na ko magtataka kung bakit madalas pa sa madalas eh ikaw ang highest sa mga exam lalo na nitong nakaraang midterm pero tandaan mo ! MAS MATAAS AKO SAYO SA POLITICAL LAW !! di ko na sasabihing bagsak ka dun ^^ hahahaha ! Anyway, that's not the point ... Bilib ako kung gaano ka kagaling mag-explain lalo na pagdating sa mga hypothetical questions parang ngumunguya ka lang ng mani .

Ano nga bang taglay mong sikreto? Ang sabi mo lang samin isa kang full time student .. and so ? Dami namang full time student pero di gaya ng performance mo .. iba eh ! At dahil full time student ka , nagattaka naman ako kung paano ka nkakasurvive sa law school ? Kamusta naman ang gastos ? Pagpapaprint pa lang ng mga cases na babasahin milyon-milyon na ! Samahan mo pa ng mga libo-libong halaga ng mga libro nila Sta. Maria, Bernas at Rufus-Rodriguez. 


Nung minsang naka-usap kita at sinabi ko sayong ang hirap pala at para bang gusto ko ng bumigay sa pangarap kongm aging abogado ... lalo mo kong pinahanga ! Hindi ko makakalimutan yung mga salita mong tumatak sa isipan ko .. Ano nga ulit yun ? Joke :p  joke yun?  "Eh ano kung bumagsak ka ngayon? Eh di i-take ulit next sem, Gusto mong maging abogado db? Sabihin mo lang sa sarili mo na hindi ikaw (prof) ang tatapos sa pangarap kong maging abogado"

Taaamaaaa ! Alam ko minsan imposible na tlagang palakasin ang loob ko pero ganun tlaga ang mga magagandang bagay ... pinaghihirapan ! Kaya siguro hard to get ako bleh :p Sabi nga nila "Something worth having is worth waiting" kaya kahit bongga na buhay ng mga ka-batch ko nung hayskul at college habang ako eh estudyante pa rin okay lang ! Alam ko naman na something greater is waiting for me.

Salamat Mr. Know-it-all ... Salamat sa humility mo .. Alam ko naaasar kna kapag lagi kitang inaasar tuwing ikaw ang highest pero sa likod ng mga pangaasar na yun ay ang paghanga . Lahat naman tayo may pinagdadaanan sa buhay bukod sa pagiging law students natin pero gumagaan lahat yun dahil sa mga kagaya mo .. Salamat kasi di ka pa napipikon tuwing ginugulo ko pagaaral mo sa library nagbabakasakali lang naman ako na bumagsak ka .. BWAHAHAHA ! joke lang :)) Basta keep inspiring others ^^ Nga pla, alam ko ayaw mo ng exposure kaya itatago nlang kita sa pangalang Johnny Depp gaya ng gusto mo :p






9 comments:

  1. Nangiintriga sino byan?

    ReplyDelete
  2. ndi man ako law student pero kilala ko din sya.. bwuahahaha! hi MR. KNOW-IT-ALL! -P

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahahaha ! Phoebe ! knwento sau ni -B nu ? hahahaha ! astig tlaga yang c MR. KNOW-IT-ALL eh :))

      Delete
  3. I LOVE YOUR BLOG! ;),wala lang natutuwa ako sa creative mong pag gamit ng mga salita..God Bless jhay-cee ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi there :) Salamat sa compliment ^^ Bat mo alam nickname ko ? Magkakilala tayo no ? Daya .. di nagpakilala :p God bless you too !

      Delete
  4. This blog is so helpful plus entertaining lol

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...